image description
# 839132
USD 25.00 (Book in Stock, will be dispatched ASAP)
- +

Mga Anting-Anting Sa Sabong

Author :  Bobby V. Villagracia

Product Details

Country
Philippines
Publisher
The University of Philippines Press, Quezon City, Philippiness
ISBN 9789715429917
Format PaperBack
Language Filipino
Year of Publication 2022
Bib. Info xii,102p.
Product Weight 240 gms.
Shipping Charges(USD)

Product Description

Sa pagbabalik-alaala sa nakaraang yugto ng aking buhay, natiyak kong nakita ko ang liwanag at namulat ang aking isipan sa bayan ng Labo, Camarines Norte, sa piling ng lolo kong si Pablo Villaflor Villagracia at lolang si Antonia Largo Asis. Ngunit naganap ang lubusang pagkamulat ng aking isipan at kamalayan sa barangay Bayan-bayan ng nabanggit ding bayan kung saan pinagkakaabalahan ng mga tao ang tupada, isang uri ng sabong. Dahil napakahalagang aktibidad ito sa buhay ng mga tao sa aming barangay, madalas paksa ang tupada sa usapan higit kapag nanalo ang sasabungin sa hindi karaniwang mga pangyayaring iniuugnay sa anting-anting sa sabong. Bilang batang natutuwang makinig sa mga usapan tungkol sa buhay ng mga tao, malalim na natatak sa isip ko ang mga kuwentong narinig ko sa aking ama at sa mga kausap niyang mahilig din sa palakasang sabong. At dahil isinilang akong may likas na hilig humabi ng kuwento tungkol sa mga pangyayari sa buhay ng mga tao, matiyaga kong binuo ang aklat na ito ukol sa mga bagay na ginagamit ng mga tao para manalo sa sabong na tinatawag na anting-anting. Bagama’t maraming mahilig sa sabong ang hindi na gumagamit ng mga bagay na ito sa kasalukuyang panahon, isa pa rin itong napakahalagang paksa na dapat maitala sa ating kasaysayan sa larangan ng tradisyonal na kultura.

Content Details

1. Cockfighting ? Philippines ? Fiction. 2. Manners and customs ? Fiction. 3. Cockfighting in literature. 4. Gambling ? Fiction.

Product added to Cart
Copied